|
125 People Embrace Islam at Pilipino Night of the 9th Ramadan Forum |
|
|
|
|
Dubai, 28th August 2010 The Pilipino night of the Ramadan Forum organized by Dubai Department of Tourism and Commerce Marketing “DTCM” under the title “Gathering to Succeed” witnessed a great surprise to the audience and organizing committee. 122 ladies and 3 men embraced Islam after attending the lecture of Shaykh Omar Penalbar, Islamic propagator from Phillipines who spoke about the message of Islam, its tolerance and lenience pointing out that Islam is the last Heavenly message and its followers must believe in its Messengers and Prophets.
|
|
Read more...
|
|
|
Talisay, Batangas - Isang paghahatid ng mensahe ng Islam ang ginanap sa Talisay, Batangas nitong nakaraang Febrero ng taong ito sa imbitasyon ng isang bagong Muslim na naninirahan sa pook na iyon. Ang layunin ng kanyang paanyaya ay upang malaman ng kanyang pamilya at mga kamag-anak ang katuruan ng pananampalatayang Islam na kanyang niyakap kamakailan. Dalawa sa kanyang kamag-anak ang yumakap sa Islam pagkaraan ng naturang da’wah na pinamunuan nina Omar Penalber at ang Da’wah Department Head na si Abdullah Pineda. Dumalo rin sa panayam na ito ang ilang mga opisyales ng ISCAG bilang pagsaporta sa pagbibigay ng tamang impormasyon ukol sa Islam sa bawa’t pagkakataong dumating sa kanila.
|
|
|
KAPAKINABANGAN NG MGA PAGSUBOK AT PAGDURUSA |
|
|
|
Ang ilan ay nagsasabi, “Hindi ba ang mga pagsubok at pagdurusang kinakaharap ng tao ay tanda lamang na walang Diyos o kaya’y hindi Siya mahabagin?” Kung iisipin lamang ng tao ang mga positibong bunga ng mga pagsubok at pagdurusa, hindi siya magtatanong ng ganito. Isinalaysay ni Ibn Rajab ang mga sumusunod na kapakinabangan ng mga pagsubok at pagdurusa: - Ang mga pagsubok at pagdurusa ay nagsisilbing paraan upang alisin ng Allah ang kasalanan ng tao.
- Ang pagharap sa mga pagsubok at pagdurusa sa tamang paraan nang may pagtitiis ay pinagmumulan ng biyaya at kasiyahan ng Allah.
- Ang mga pagsubok at pagdurusa ay nagsisilbing paraan upang isipin ng tao ang kanyang mga kasalanan na maaaring humantong sa kanyang pagsisisi at pagbabago.
- Lumalambot ang puso ng tao kapag nahaharap sa mga pagsubok at pagdurusa. Nagiging isang palalo, mapagmalaki at walang-habag ang isang taong hindi kailanman naharap sa mga pagsubok at pagdurusa.
- Sa pamamagitan ng mga pagsubok at pagdurusa magkakaroon ang tao ng tunay na katangian ng isang matiisin.
- Sa pagharap ng tao sa mga pagsubok at pagdurusa, mapagtatanto niyang hindi siya maaaring umasa lamang sa kanyang sarili o maging sa iba. Maaari siyang umasa sa Allah. Tanging ang Allah ang pinagmumulan ng tulong at saklolo.
Pagkaraang isalaysay ang mga nabanggit na kapakinabangan, sinabi ni Ibn Rajab na kung susuriin at uunawain lamang ng tao, “malalaman niyang higit na malaki ang biyaya ng Allah sa isang mananampalataya dahil sa kanyang pagtitiis sa mga pagsubok at pagdurusa kaysa sa mga biyayang iginagawad ng Allah sa mga panahon ng katiwasayan.”Susubukin tayong lahat ng Allah sa mundong ito. Maliwanag na sinabi ng Allah sa Banal na Qur’an (2:155): Dapat tandaan na susubukin Namin kayo ng pagkatakot at pagkagutom, pagkawala ng yaman o buhay o bunga ng inyong pinagsikapan. Subali’t magbigay ng magandang balita sa mga matiyagang nagtiis.Ipinahayag ng Allah sa kabanata Hud ng Banal na Qur’an: “Sa mga nagpamalas ng pagtitiis at katatagan (sa mga pagubok), at gumawa ng mabubuti, sa kanila’y isang pagpapatawad ng kasalanan at isang dakilang gantimpala (sa Paraiso).” |
|
|
Ika-apat na Haligi ng Islam: Ang Sawm (Pag-aayuno) sa Buwan ng 'Ramadhan' |
|
|
|
|
Kailangang mag-ayuno ang isang Muslim sa buwan ng Ramadhan, sa bawa't taon. Nararapat na umiwas sa lahat ng bagay na makasisira sa pag-aayuno, tulad ng pagkain, pag-inom at pakikipagtalik ng mag-asawa mula sa oras ng pagtawag o hudyat ng 'Salatul-Fajr' hanggang sa pagtawag o hudyat ng pagsapit ng 'Salaatul-Maghrib' bilang tanda ng pagtalima o pagsunod sa kautusan ng Allah (U). Ang Allah (U) ay nagsabi,; "O kayong Mananampalataya (mga Muslim)! Ang (pagsasakatuparan ng) Sawm (pag-aayuno) ay ipinag-uutos sa inyo katulad ng ipinag-utos sa mga nauna sa inyo upang kayo ay maging Muttaqun ..." (Qur'an 2:183) |
|
Read more...
|
|
|
|
<< Start < Prev 1 2 3 4 5 Next > End >>
|
| Results 1 - 9 of 45 |